Tuesday, October 22, 2013

ANG PITONG PINAKA WIRDONG BATAS SA BUONG MUNDO!



#
7 In Los Angeles, CA its illegal for a waiter to tell a customer Im really an actor.





Sa Los Angeles, CA ito ay ilegal para sa isang weyter upang sabihin sa isang kostomer "Ako talaga ay isang aktor." Hindi popular sa akin ang batas na ito. Natural sa ibang bansa ito ipinapatupad. May masasabi ba ako dito?

Sa mga bansa na ating kinabibilangan maraming mga batas na ipinapatupad. Talaga bang sinusunod ang bats na ito sa Los Angeles, CA? Alam ko namang disiplinado at may respeto ang mga tao doon at hindi kayang gawin ang ganitong pakikipagusap sa kanilang kostomer. Sa tingin ko para sa wala lang talaga itong batas na ito. Echos lang kaya ginawa ito. Medyo pampagulo lang to. Bakit naman kasi sasabihan ng weyter ang kostomer ng ako talaga ang isang actor. Bakit nasisiraan ban g ulo ang weyter para pagsabihan ng kostomer ng ganun? Pwera nalang kung umaarte ang weyter, nagsasayaw kung baga o kumakanta. E hindi naman e kaya, tanong ko para saan to?

-Marquez, Ana Marie



#6 IN CALIFORNIA, A VEHICLE WITH NO DRIVER IS NOT ALLOWED TO GO BEYOND  60 MILES PER HOUR




Imaginin mo nga ang sasakyan ng tumatakbo
  ng 60 miles per hour pero walang driver? Hahaha. Kapag nahuli yun ng traffic enforcer sino yung titicketan? Sasakyan na tumatakbo nag mabagal kaahit walang driver okey pa, pero sasakyang walang driver pero lumagpas sa speedlimits? O.A NA!.Medyo daig pa nun yung kotse ni batman, motor ni ghost rider at spaceship ni kokey.Siguro kung meron mang ganun pangyayari kaya naisabatas yun e posibleng sinadya lang talaga yun ng kung sino mang baliw para makasira ng mga ari-arian ng kaaway nila.

Pero alam mo ba na  na pinagaaralan na ito ng google?Gumagawa na sila ng pagaaral kung panu mapapaandar ang sasakyan kahit walang driver.Kaya ang nakakatawang batas na to sa california ay possibleng maging normal na lang in the future.

-De Guzman, Michaela 


#5 In Florida, it is illegal to fart in a public place after 6 P.M. on Thursdays.





May tanong ako. Para saan tong batas na ito? Bakit? Alam ba natin ang oras kung kalian lalabas ang utot natin? Hahaha nakakatawa! may naitutulong ba ito? obviously wala! Hahahah pano naman huhulihin yun? Nakakainis ata yung may lalapit sayo at sasabihing, huli to sa prisinto ka na mag paliwanag dahil umutot ka sa public ng 6:01 P.M.

Sinubukan ko naman mag hanap ng inpormasyon tungkol dito sa google, ayun walang may pakialam. Hahaha eh kasi naman walang saysay talaga ang batas na ito. Wala rin naman kasing makakapagsabi kung kalian ka o anong oras ka makakautot.

-Laderas, Isabel Mae




#4 In florida, single or unmarried woman is not allowed to ride in a parachute every Sunday



Maraming lugar sa buong Amerika at ibang panig ng mundo ang may kanya kanyang kakaibang batas. Sa Egypt ipinagbawal noong 1837 ang male belly dancing dahil  ito ay  sanhi ng matinding kaguluhan , kung pupunta ka naman  sa Milan kinakailangan mong ngumiti o ipakita na masaya ka dipende na lang kung ikaw ayw pupunta sa ospital o libing, at sa Bangladesh naman ay maaari kang makulong sa oras na mahuli kang nandaraya sa inyong paaralan.

Meron din na mga di pangkaraniwan na batas sa Florida, at isa na dito ang pagbabawal sa isang dalaga,diborsyado o isang byudang babae na mag parachute tuwing Linggo. Ang mahuhuli ay maaring magmulta o di kaya naman ay makulong. Ang Florida ay isang magandang lugar kung saan puwedeng isagawa ang skydiving at parachuting kaya malaki ang pagkakataon na may lumabag sa batas na ito lalo na at marami sa mga mamamayan mismo nito ang wala malay na may batas na ganito. Sa aking pagsasaliksik, hindi gaanong karami o limitado lamang ang mga impormasyon na aking nakuha Sa kasamaang palad, ang orihinal na pagpapatupad sa batas na ito ay hindi malaman kung saan nagmula, ngunit ito ay hindi nagmula sa mga matitikas na kalalakihan ng Amerika na nagsagawa ng mga batas na pagbawalan ang mga kababaihan na gawin ang masaya at kapanapanabik na gawaing ito tuwing hapon ng Linggo sa Florida.

-Santiago, Alyssa Tania


#3 IN DENMARK, IT IS NOT AGAINST THE LAW TO ESCAPE FROM PRISON.



Sa Pilpinas ang preso ay hindi maaring hindi makasuhan kapags iya ay tumakas sa bilangguan. Dahil kaya nga nabilanggo ang isang tao ay dahil nakagawa ito ng kamalian na labag sa batas ng pilipinas kaya dapat niya itong pagdusahan sa tamang paraan.Ngunit na pag-alaman na isa sa mga bansa sa Europa na kilala sa tawag na Denmark, sa nasabing bansa ay hindi paglabag sa batas ang pagtakas ng sinumang preso sa bilangguan, kaya ang batas na ito ay napabilang sa listahan ng mga wirdong batas sa buong mundo na masasabing wala itong silbi o kahit meron man ay parang nag-lolokohan lang ang mga mamamayan at ang kanilang pamahalaan na nagpapatupad ng kakaibang batas na katulad nito.

Ang bansang Denmark ay masasabing may mahigpit na batas na naipapatupad ng maayos sa kanilang bansa kaya nakakapag-taka na magkaroon sila ng ganitong klaseng batas na hindi malaman kung may pakinabang na ikaaayos o ikagugulo ng kanilang bansa. Para sa pananaw ng iba itoy walang silbi dahil parang pinatatakas na rin nila ang mga taong nakakagawa ng kamalian, imbis na pagdusahan ng mga criminal ang kanilang mga kamalian ay mas binibigyan sila ng pagkakataon na takasan ang kanilang mga kamalian, kaya itoy napasama sa listahan ng mga wirdong batas sa buong mundo.

-Vivar, Lhesly


#2 In Singapore chewing gum is illegal.




Kilala ang Singapore bilang isa sa pinakamalilinis na bansa sa Asya. Isa sa mga batas na ginawa upang mapanatili ang kalinisan sa bansang ito ay ang pagbabawal sa chewing gum. Ipinatupad ang kautusang ito noong 1992 dahil napansin ng gobyerno na ang chewing gum ay isa sa mga bagay na hindi naitatapon ng tama ng karamihan. Kadalasan kasi ay makikita mo na lang na nakadikit sa ilalim ng upuan at lamesa, pader at sa kung saan-saang sulok na pwedeng dikitan nito. Malaki ang nagiging problema ng gobyerno ukol dito dahil malaki ang gastos sa paglilinis at pagtatanggal ng mga nakadikit na gum. Nagiging sanhi rin ito ng pagkasira ng mismong cleaning equipment na pantanggal nito. Bukod dito, naapektuhan rin ang mga Mass Rapid Transit o MRT na ginagamit sa transportasyon dahil ang mga gum na nakadikit sa tren lalo na sa pinto ay nagiging dahilan para di ito magsara ng maayos. Hindi rin naman biro ang pondong inuukol ng gobyerno sa pagpapagawa at maintenance ng mga MRT.

Kaya naman upang mapanatili ang kalinisan at makabawas sa gastusin ng pamahalaan ng Singapore, ipinagbabawal na ang pagbebenta, paggawa at pagi-import ng chewing gum. Ang multa sa paglabag sa batas na ito ay $500-$1000 sa unang paglabag at $2000 sa mga susunod na paglabag. Noong taong 2004, nagkaroon ng kasunduan ang Estados Unidos at Singapore ukol sa batas na ito. Inamyendahan nila ito at pinayagan na nila ang mga chewing gum na may magandang epekto sa kalusugan tulad ng dental-health gum at nicotine gum na tumutulong sa mga taong nais tumigil sa paninigarilyo. Ngunit ang mga ito ay mabibili lamang sa mga botika at kailangang ibigay ng mga nagnanais bumili nito ang kanilang pangalan at magpakita ng ID. Ang mga pharmacist na magbebenta ng mga gum ng hindi manghihingi ng kaukulang impormasyon ay pagmumultahin ng $2940 at makukulong sa loob ng dalawang taon.

-Yco, Ma. Angelica Dianne



#1 SAUDI ARABIA : BAWAL ANG ARAW NG MGA PUSO
(Paano naging katakataka ? Halinat iyong basahin.)





               Ang Araw ng mga Puso  ang isa sa mga pinakapinanabikan selebrasyon ng mga magsing- irog saan mang dako ng daigdig. Ngunit sa Saudi Arabia kasama ang Iran at Bhutan mahigpit itong ipinagbabawal . Sa mga bansang nabanggit, ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagdiriwang ng araw ng mga puso, sapagkat para sa kanila ang lahat ng ito ay patungkol kay St. Valentine na pinaniniwalaan ng ilang dalubhasa sa Quran na ito ay isang pari na nagkakasal ng mga patagong kasalan. Bukod sila ay mga muslim at ang pagdiriwang na ito ay pang Kristiyano ang isa pang dahilan ay nagpapahiwatig ito ng pagmamahal ng dalawang taong hindi pa kasal na sa kanilang paniniwala ay immoral.


              Para sa atin , wala namang gaanong katakataka dito dahil maraming gawain ang mga Muslim na lingid sa ating kaalaman , ngunit sa batas na ito marami ang mabibigla kung gaano kahigpit ipinagbabawal ang pangkaraniwang selebrasyon na ito. Una, mahigpit na ipinagbabawal at ipinatatanggal sa mga establisyemento at mga kainan ang anumang kulay pulang bagay na maaaring maging simbolo ng araw ng mga puso. Isama pa diyan ang mga  kulay pulang bulaklak tulad ng rosas , mga manika at higit sa lahat mga hugis-pusong bagay kahit hindi kulay pula ay mahigpit na ipinagbabawal. Bukod pa riyan , sa kinagabihan bago ang pagdiriwang , ang mga pulis ay biglaang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga tindahan na ngabebenta ng mga bagay na simboliko ng pag-ibig. At ang pinakamalala na maaaring mangyari ay pagkakakulong at pagkakahuli sa sinumang mapapatunayang o makikitang dalawang tao  na ngapapakita ng pagmamahalan sa harap ng publiko tulad ng simpleng paghawak sa kamay o di kaya ay simpleng pamamasyal ng isang lalaki at babae lalo pa at hindi sila kasal ay may karampatang parusa. At Muslim ka man o hindi, bastat nasa kanilang kang bansa  kailangang mong sundin ang patakarang ito. Ang pagsunod dito ay nangangahulugan na din ng paggalang at respeto mo sa pagkakaiba- iba tradisyon, gawi at kultura ng ibang nasyon at pag iwas mo sa di pagkakaunawaan.



-Doroteo, Robielyn