#7 In Los Angeles, CA it’s illegal for a waiter to tell a customer “I’m really an actor.”
Sa Los Angeles, CA ito ay ilegal para sa isang
weyter upang sabihin sa isang kostomer "Ako talaga ay isang aktor."
Hindi popular sa akin ang batas na ito. Natural sa ibang bansa ito
ipinapatupad. May masasabi ba ako dito?
Sa mga bansa na ating kinabibilangan maraming mga
batas na ipinapatupad. Talaga bang sinusunod ang bats na ito sa Los Angeles,
CA? Alam ko namang disiplinado at may respeto ang mga tao doon at hindi kayang
gawin ang ganitong pakikipagusap sa kanilang kostomer. Sa tingin ko para sa
wala lang talaga itong batas na ito. Echos lang kaya ginawa ito. Medyo
pampagulo lang ‘to. Bakit naman
kasi sasabihan ng weyter ang kostomer ng “ako talaga ang isang actor.” Bakit nasisiraan ban g ulo ang weyter para
pagsabihan ng kostomer ng ganun? Pwera nalang kung umaarte ang weyter,
nagsasayaw kung baga o kumakanta. E hindi naman e kaya, tanong ko para saan to?
-Marquez,
Ana Marie
#6 IN CALIFORNIA, A
VEHICLE WITH NO DRIVER IS NOT ALLOWED TO GO BEYOND 60 MILES PER HOUR
Imaginin mo nga ang sasakyan ng tumatakbo ng 60 miles per hour pero walang driver? Hahaha. Kapag nahuli yun ng traffic enforcer sino yung titicketan? Sasakyan na tumatakbo nag mabagal kaahit walang driver okey pa, pero sasakyang walang driver pero lumagpas sa speedlimits? O.A NA!.Medyo daig pa nun yung kotse ni batman, motor ni ghost rider at spaceship ni kokey.Siguro kung meron mang ganun pangyayari kaya naisabatas yun e posibleng sinadya lang talaga yun ng kung sino mang baliw para makasira ng mga ari-arian ng kaaway nila.
Pero alam mo ba na na pinagaaralan na ito ng google?Gumagawa na
sila ng pagaaral kung panu mapapaandar ang sasakyan kahit walang driver.Kaya
ang nakakatawang batas na to sa california ay possibleng maging normal na lang
in the future.
-De
Guzman, Michaela
May tanong ako. Para saan tong batas na ito?
Bakit? Alam ba natin ang oras kung kalian lalabas ang utot natin? Hahaha
nakakatawa! may naitutulong ba ito? obviously wala! Hahahah pano naman
huhulihin yun? Nakakainis ata yung may lalapit sayo at sasabihing, huli to sa
prisinto ka na mag paliwanag dahil umutot ka sa public ng 6:01 P.M.
Sinubukan ko naman mag hanap ng inpormasyon
tungkol dito sa google, ayun walang may pakialam. Hahaha eh kasi naman walang
saysay talaga ang batas na ito. Wala rin naman kasing makakapagsabi kung kalian
ka o anong oras ka makakautot.
-Laderas,
Isabel Mae
#4 In florida,
single or unmarried woman is not allowed to ride in a parachute every Sunday
Maraming lugar sa buong Amerika at ibang panig ng
mundo ang may kanya kanyang kakaibang batas. Sa Egypt ipinagbawal noong 1837
ang “male belly
dancing” dahil ito ay sanhi ng matinding kaguluhan , kung pupunta ka
naman sa Milan
kinakailangan mong ngumiti o ipakita na masaya ka dipende na lang kung ikaw ayw
pupunta sa ospital o libing, at sa Bangladesh naman ay maaari kang makulong sa
oras na mahuli kang nandaraya sa inyong paaralan.
Meron din na mga di pangkaraniwan na batas sa
Florida, at isa na dito ang pagbabawal sa isang dalaga,diborsyado o isang
byudang babae na mag parachute tuwing Linggo. Ang mahuhuli ay maaring magmulta
o di kaya naman ay makulong. Ang Florida ay isang magandang lugar kung saan
puwedeng isagawa ang skydiving at parachuting kaya malaki ang pagkakataon na
may lumabag sa batas na ito lalo na at marami sa mga mamamayan mismo nito ang
wala malay na may batas na ganito. Sa aking pagsasaliksik, hindi gaanong karami
o limitado lamang ang mga impormasyon na aking nakuha Sa kasamaang palad, ang
orihinal na pagpapatupad sa batas na ito ay hindi malaman kung saan nagmula,
ngunit ito ay hindi nagmula sa mga matitikas na kalalakihan ng Amerika na
nagsagawa ng mga batas na pagbawalan ang mga kababaihan na gawin ang masaya at
kapanapanabik na gawaing ito tuwing hapon ng Linggo sa Florida.
-Santiago,
Alyssa Tania
#3 IN DENMARK, IT IS
NOT AGAINST THE LAW TO ESCAPE FROM PRISON.
Sa Pilpinas ang preso ay hindi maaring hindi makasuhan kapags iya ay tumakas sa
bilangguan. Dahil kaya nga nabilanggo ang isang tao ay dahil nakagawa ito ng
kamalian na labag sa batas ng pilipinas kaya dapat niya itong pagdusahan sa
tamang paraan.Ngunit na pag-alaman na isa sa mga bansa sa Europa na kilala sa
tawag na Denmark, sa nasabing bansa ay hindi paglabag sa batas ang pagtakas ng
sinumang preso sa bilangguan, kaya ang batas na ito ay napabilang sa listahan
ng mga wirdong batas sa buong mundo na masasabing wala itong silbi o kahit
meron man ay parang nag-lolokohan lang ang mga mamamayan at ang kanilang
pamahalaan na nagpapatupad ng kakaibang batas na katulad nito.
Ang bansang Denmark ay masasabing may mahigpit na
batas na naipapatupad ng maayos sa kanilang bansa kaya nakakapag-taka na
magkaroon sila ng ganitong klaseng batas na hindi malaman kung may pakinabang
na ikaaayos o ikagugulo ng kanilang bansa. Para sa pananaw ng iba ito’y walang silbi dahil parang pinatatakas na rin
nila ang mga taong nakakagawa ng kamalian, imbis na pagdusahan ng mga criminal
ang kanilang mga kamalian ay mas binibigyan sila ng pagkakataon na takasan ang
kanilang mga kamalian, kaya ito’y
napasama sa listahan ng mga wirdong batas sa buong mundo.
-Vivar,
Lhesly
#2 In Singapore chewing gum is illegal.
Kilala ang Singapore bilang isa sa
pinakamalilinis na bansa sa Asya. Isa sa mga batas na ginawa upang mapanatili
ang kalinisan sa bansang ito ay ang pagbabawal sa chewing gum. Ipinatupad ang
kautusang ito noong 1992 dahil napansin ng gobyerno na ang chewing gum ay isa
sa mga bagay na hindi naitatapon ng tama ng karamihan. Kadalasan kasi ay
makikita mo na lang na nakadikit sa ilalim ng upuan at lamesa, pader at sa kung
saan-saang sulok na pwedeng dikitan nito. Malaki ang nagiging problema ng
gobyerno ukol dito dahil malaki ang gastos sa paglilinis at pagtatanggal ng mga
nakadikit na gum. Nagiging sanhi rin ito ng pagkasira ng mismong cleaning
equipment na pantanggal nito. Bukod dito, naapektuhan rin ang mga Mass Rapid
Transit o MRT na ginagamit sa transportasyon dahil ang mga gum na nakadikit sa
tren lalo na sa pinto ay nagiging dahilan para di ito magsara ng maayos. Hindi
rin naman biro ang pondong inuukol ng gobyerno sa pagpapagawa at maintenance ng
mga MRT.
Kaya naman upang mapanatili ang kalinisan at
makabawas sa gastusin ng pamahalaan ng Singapore, ipinagbabawal na ang
pagbebenta, paggawa at pagi-import ng chewing gum. Ang multa sa paglabag sa
batas na ito ay $500-$1000 sa unang paglabag at $2000 sa mga susunod na
paglabag. Noong taong 2004, nagkaroon ng kasunduan ang Estados Unidos at
Singapore ukol sa batas na ito. Inamyendahan nila ito at pinayagan na nila ang
mga chewing gum na may magandang epekto sa kalusugan tulad ng dental-health gum
at nicotine gum na tumutulong sa mga taong nais tumigil sa paninigarilyo.
Ngunit ang mga ito ay mabibili lamang sa mga botika at kailangang ibigay ng mga
nagnanais bumili nito ang kanilang pangalan at magpakita ng ID. Ang mga
pharmacist na magbebenta ng mga gum ng hindi manghihingi ng kaukulang
impormasyon ay pagmumultahin ng $2940 at makukulong sa loob ng dalawang taon.
-Yco,
Ma. Angelica Dianne
#1 SAUDI ARABIA :
BAWAL ANG ARAW NG MGA
PUSO
(Paano naging katakataka ? Halina’t iyong basahin.)
Ang
“ Araw ng mga Puso” ang
isa sa mga pinakapinanabikan selebrasyon ng mga magsing- irog saan mang dako ng
daigdig. Ngunit sa Saudi Arabia kasama ang Iran at Bhutan mahigpit itong
ipinagbabawal . Sa mga bansang nabanggit, ay mahigpit na ipinagbabawal ang
pagdiriwang ng araw ng mga puso, sapagkat para sa kanila ang lahat ng ito ay
patungkol kay St. Valentine na pinaniniwalaan ng ilang dalubhasa sa Qur’an na ito ay isang pari na nagkakasal ng mga
patagong kasalan. Bukod sila ay mga muslim at ang pagdiriwang na ito ay pang
Kristiyano ang isa pang dahilan ay nagpapahiwatig ito ng pagmamahal ng dalawang
taong hindi pa kasal na sa kanilang paniniwala ay immoral.
Para sa atin , wala namang gaanong katakataka
dito dahil maraming gawain ang mga Muslim na lingid sa ating kaalaman , ngunit
sa batas na ito marami ang mabibigla kung gaano kahigpit ipinagbabawal ang
pangkaraniwang selebrasyon na ito. Una, mahigpit na ipinagbabawal at
ipinatatanggal sa mga establisyemento at mga kainan ang anumang kulay pulang
bagay na maaaring maging simbolo ng araw ng mga puso. Isama pa diyan ang mga kulay pulang bulaklak tulad ng rosas , mga
manika at higit sa lahat mga hugis-pusong bagay kahit hindi kulay pula ay
mahigpit na ipinagbabawal. Bukod pa riyan , sa kinagabihan bago ang pagdiriwang
, ang mga pulis ay biglaang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga tindahan na
ngabebenta ng mga bagay na simboliko ng pag-ibig. At ang pinakamalala na
maaaring mangyari ay pagkakakulong at pagkakahuli sa sinumang mapapatunayang o
makikitang dalawang tao
na ngapapakita ng pagmamahalan sa harap ng publiko tulad ng simpleng paghawak
sa kamay o di kaya ay simpleng pamamasyal ng isang lalaki at babae lalo pa at
hindi sila kasal ay may karampatang parusa. At Muslim ka man o hindi, basta’t nasa kanilang kang bansa kailangang mong sundin ang patakarang ito. Ang
pagsunod dito ay nangangahulugan na din ng paggalang at respeto mo sa
pagkakaiba- iba tradisyon, gawi at kultura ng ibang nasyon at pag iwas mo sa di
pagkakaunawaan.
-Doroteo,
Robielyn
No comments:
Post a Comment